ako ito, may angal ka?

Dear 2016, 

Finally, you have reached your final moments. I couldn’t be any happier that finally I am, and everyone else, is bidding you goodbye. Grabe ka. Ang lala ng mga cards that you dealt for me. Hindi ko inakala na mangyayari ang mga nangyari sa akin. Sinumalan mo ng puno ng kasiyahan, kulang na lang tapusin mo ng malala at walang patawad. 
Pero buti na lang, may mga taong hindi ako pinabayaan at iniwan habang binabayo mo ako ng kamalasan. Yung totoo, muntik na akong bumigay sa iyo. Ganun kalala ang binigay mo. Akala ko ayos na, iba na, pero mali pala ako. Maling mali. 
Salamat na lang at matatpos ka na. 
For you, 2016, I’ll just keep it simple:
Para sa mga kapamilya ko at kaibigan na hindi ako iniwan habang binabayo ako ng kamalas ngayon taon na ito, maraming salamat. Hindi ko makakayanan lampasan ang depresyon ko kung hindi dahil sa inyo na hindi ako pinabayaan na malunod sa kawalan.
Para sa mga nilisan ako ng walang paalam, I hope your decision served you well. Kung papahintulutan man ng panahon na magkrus ulit ang mga landas natin, sana matingnan mo ako sa mga mata ko at masabi na naging masaya ka, baka sakaling makapagpatawad pa ako kung gagawin niyo yan. 
Para sa mga lumang tao sa buhay ko, pinagtibay na kayo ng panahon at mabuhay at kilala ko pa rin kayo at kilala niyo pa rin ako. Nawa’y patuloy niyong piliin na manatili kahit gaano ito kahirap. Hindi lahat ng tao ay may balls to stay. 
Para sa mga bagong tao sa buhay ko, masaya ako na nakilala ko kayo. Though hindi inaasahan, I am glad that our paths have crossed. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit kinaya ko ang pinagdaanan ko. Kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit kaya ko pang maniwala na may goodness pa rin sa mundo at hindi lahat ng makikilala mo ay may masamang motibo. 
Para sa mga taong bumalik, maraming salamat din dahil binigyan niyo ako ulit ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili ko at maitama ang mga mali ko noon. Sana katulad ng mga lumang tao sa buhay ko, magkaroon kayo ng lakas ng loob na magstay ulit at magtiwala sa akin. 
2016, dalawang oras ka na lang. Huwag ka nang humirit pa. Tama na. Quota ka na. 

Maraming salamat sa mga tinuro mong leksyon at sa mga tinuro mong dapat iwasan at huwag tularan. Sana hindi ka na gayahin ng 2017. 
Here’s to me punching 2016 in the face with whatever strength I have left. I SURVIVED. And hope to survive even if that’s the last thing I do. 
Happy New Year! 

Advertisements

Simula ngayon, bubrahin na kita.
Hindi ka na karapat-dapat magkaroon pa ng puwang

Sa kahit saan sa aking buhay.
Simula ngayon, kakalimutan ko na ang lahat ng ginawa mo

Masama man o mabuti

Hindi lang para sa kabutihan ko, kundi para rin sa ikakatahimk ko.
Simula ngayon, papakawalan ko ang mga masasayang alaala

Hindi na iisipin pa

Hindi na papansinin pa
Simula ngayon, kakalimutan ko nang sinaktan mo ako

Hindi na aalalahanin pa ang sakit

Hindi na hahayaan pang maapektuhan ako ng sobra
Simula ngayon, isa ka na lang multo ng nakaraan

Hindi uungkatin hanggang hindi kailangan,

Hindi maalala dahil tapos na ang lahat.
Simula ngayon, wala ka nang halaga

Sa puso, 

Sa isip, at

Sa kaluluwa
Nawala na lahat iyon mula nang lumisan ka

Walang paalam,

Walang alinalangan
Kaya simula ngayon, humayo ka. 

Hindi na kita kailangan. 

It’s been while since I last wrote. And hindi ko man lang alam kung saan ako magsisimula ulit. Basta alam ko lang I have to write something again or else I will lose whatever gusto I have for writing.
Ano na nga ba ang nangyari? Yaan din ang paulit-ulit kong tanong sa aking sarili. Sa halos 11 na buwan na nasa bahay lang ako, ngayon na patapos na ang taon, hindi ko mapigilan isipin kung ano na ba ang nangyari. Sa panahon, sa oras, sa buhay, sa akin. 

Sa patapos na 2016, saan na nga ako papunta?
Yung totoo, mas marami pa rin akong duda at alinlangan sa lahat kesa kasagutan. Kung dati, parang sigurado na ako sa kung saan ako papunta, may nangyari na naging dahilan para huminto ako,
Para magisip ako,
Para mangibang daan ako.
At sa dami ng nangyari, ngayon hindi ko na alam kung nasaan na ako.
Kung nasaan na si Abi. 

***

At 30, I should have it all figured out. But then, the only thing that I have figured out at the moment is that I haven’t figured out anything at all. Halos lahat ng kabatch ko either have their own families or have stable jobs and all while here I am still trying to figure things out. Minsan nakakadown, but when I think of it, their pace is not my pace and that I am doing okay. Maybe not their brand of “okay”, but I am okay. And I think that’s fine. I will get there in my own time. 

***

Some endings are prequel to beginnings. And maybe it is just right that some things have to end so you can begin again with a clean slate. Maybe I am at that point in my life, another decade to live and another chance where I can begin anew. The ending may not be as nice as others’ ending and I have to live with the scars but right now I don’t mind. As long as I have the right people with me in whatever journey I am about to embark on, I don’t mind wearing these scars on my sleeve. 

***

Lastly, life has a way of letting you meet people who will stir you in a direction you never thought you already arrived at. Nakakatawa na nakakatuwa dahil sa mga oras na akala mo pinakawasak ka na, may makikilala kang magpaparealize sa iyo na it wasn’t that bad at all. You were never into that deep in your grave at all kahit marami pang gumago sa iyo. And for that, I am thankful for meeting this one person who made me realize na I am on the right track of getting better from a shitty heartbreak and life fall out. Sino ba naman magaakala na in a way, mahahanap mo si Abi kahit bago pa lang tayo magkakilala. Salamat, kaibigan. I hope nothing but the best for you too. 

***

Nasaan na ba si Abi? 
Andito pa rin, hindi bago pero handa parin magsimula muli kahit na maraming bagay ang walang kasiguraduhan. Ang mahalaga naman, babangon ka ulit pagkatapos madapa. 
Ang mahalaga gusto mo pa rin magsimula. 
At heto, magsisimula na ako ulit. 

HINDI ko alam ang sasabihin. 

Anong sasasbihin mo kung alam mong nareach mo na yung edad na kinakatakutan ng lahat? Yung edad na hindi ka na bata pero hindi ka pa rin naman matanda para magdesisyon ng mga malalaking bagay sa buhay (at least sa point of view ko). 
Trenta. 
Oo, trenta. 
Dapat ba upgrade na agad dahil hindi maghihihintay sa iyo ang oras, lalo na ang edad mo? O pwedeng dahan-dahan lang muna at hinay-hinay para hindi magkamali? Hindi ko alam.
Dahil hanggang ngayon, andun pa rin ako sa punto na hindi ko alam kung saan point na ako ng buhay ko. Basta ang alam ko lang, nasa Version 3.0 na ako. Yun lang. Ang saklap. 
***

Nung isang linggo, nakausap ko yung kaibigan ko na nasa Germany. Sabi niya, inuulit ko, SABI NIYA hinahangaan daw niya ngayon kung paano ko hinahandle yung recent break up ko. Nagmature na daw ako, walang imik. Walang ingay. Hindi tulad dati na kabi-kabilang post dito at doon. 
Siguro nga, in a way, nagmature na ako mula sa mga paraan ko noon. Masaya lang ako na may masaya at nakapansin na kahit paano, nagbago na rin ako. Siguro ganun talaga kapag trenta ka na.
***

Yung totoo, hindi ko alam kuung anong mangyayari matapos ang araw ng birthday ko. Taon-taon, ito lang yung nagiisang araw na hinihintay ko dahil alam kong walang kahit ano o sino ang makakasira ng mood ko. Pero I guess, this day is different. Lalo pa’t hindi naman talaga ako okay. Pero sige, sususbukan kong maging masaya para sa mga taong nakapaligid sa akin. 
***

Kung mas maraming oras lang akong magsulat o kung mas may ideya ako kung ano ang sasabihin ko, malamang may listahan din ako ng 30 things I learned before turning 30. Pero wala. Total writer’s block ang meron ako ngayon. Kahit anong gawin ko, walang matinong words of wisdom to give while patting myself on the back. Maybe because more than fixing my life back again, I ended up more broken than I was before. And I hate myself and the people who caused it more than ever. 
Siguro, if I have the chance to meet my younger self today, here’s what I got to say:
Abi, maraming tao ang gagaguhin ka, humanda ka dahil gagawin nila ang lahat para lang maliitin ka at pagmukhain kang walang kwenta. Huwag mong hayaang apakan ka nila tulad ng ginawa nila sa akin ngayon. You’ll come this far and through hell and back. Maaaring madapa ka pa lalo along the way pero matututo ka. Kung pwede, be the better person,huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo sa mundo at sa mga taong gumago sa iyo. Huwag mo silang samahan lumakad sa impyerno pagdating ng paghuhukom. Mas higit ka pa don. Dahil yan puso mo, kahit gaano kawasak, at alam ko kahit gaano pinaglaruan ng mga tao sa paligid mo, ay naniniwala pa rin sa “goodness”. Hindi mo yan kahinaan. Yan ang lakas mo. Sila ang mahina dahil hindi nila kayang alagaan yung pagmamahal na binigay mo at paniniwala mong mabuti silang tao. SILA ANG MAHINA. 
Kaya kapag nadapa, bangon lang. Malayo pa ang lalakarin mo, pero kung lilingon ka pabalik, makikita mong malayo na rin ang iyong narating. Abi, higit ka pa sa mga panloloko at panggagagong natanggap at ginawa sa iyo. Kaya laban lang. 
***

KAYA LABAN LANG, Abi, version 3.0.

MANIWALA

Posted on: Mayo 14, 2016

Ang sabi sa isang sine na napanood ko nood: “Maniwala na lang kasi tayo sa ‘goodness'”. From then on, that line stuck to me like glue,bukod pa sa growing up, yun ang nakita ko sa mga magulang ko.
And so as I went out and about the world, ito ag isa sa mga naging working mantra ko. “Maniwala sa goodness.” It won me friends, but at the same time, it became my downfall. I believed in every person’s goodness that I wasn’t able to recognize kung kailan na nila ako niloloko at kung kailan sila totoo pa sa akin.
Sadly, it took its toll on me.
Now, I am a ghost of a shell of that person who so much believed in other people’s goodness that I find it hard to trust anyone anymore. At all. 
Nakakalungkot. Nakakapanhinayang. Dahil alam ko naman na tama yung linya na yun. Maniwala sa goodness… Pero nakakainis at nakakapanlumo at nakakatanginang galit, dahil hindi ako makapaniwala na sa kabila ng pinakita mong pagpapahalaga at tiwala, gagaguhin ka lang sa huli. Ngayon, ang nasa isip ko na lang, PAANO NAKAKATULOG NG MAHIMBING SA GABI YUNG MGA GAGONG LUMOKO SA AKIN.
Oo, matapang ako sa pagsulat nitong entry na ito ngayon. Dahil kung baga sa isang timer na gawa ng buhangin, nasaid na ako. Ito na yung iilan sa mga butil na hindi pa tuluyang nahuhulog sa dulo ng kawalan. Ito na yung iilang butil na humahawak sa aking pagkatao para hindi tuluyang hindi maniwala sa “goodness”. 
Sabi nga, “Do it to me once, shame on you; Do it to me twice, shame on me”. Tapos na ako sa una. Andun na ako sa pangalawa at bagamat magkaibang tao ang gumagago sa akin, hindi ko mapatawad ang sarili ko na sa pangalawang pagkakataon, naloko ako ng “goodness” ng mga gagong ito. At ang sakit sakit sakit at tanginang sobrang sakit. Bakit, ka niyo? 
DAHIL SILA YUNG MGA TAONG MINAHAL KO AT SINABING MAHAL DIN AKO. Ang laking kalokohan dba? Na kung pwede lang ako na ang magparusa sa kanila, I could thinkof a million ways on how to do it dahil sa sakit na naramdaman ko at patuloy kong nararamdaman. Hindi ko mailarawan ang sakit na naranasan ko mula sa kanila. But like what I sad earlier, they left me as a ghost of a shell of a person who trusted so much in their goodness. Which turned out to be a deil’s advocate kind of goodness. And I am finding it hard to forgive. 
To forgive them.
And to forgive myself.
How? Paano ba magpatawad? Hindi ko na rin ata alam. Ang alam ko lang sobrang sakit ng bawat kalamnan ko at bawat cells sa katawan ko na kung kaya ko lamang kulungin sa aking kamao ang lahat ng sakit at galit na nasa buong katawan ko, malamang matagal nang nagpipiyesta ang mga uod sa lupa dahil sa mga hayop na yun. 
Pero hindi ko magawa yun. Hindi ko magawa. Hindi ko kayang gawin. Hindi ko magawa dahil sa natitirang butil ng tiwala sa aking katawan, naniniwala pa rin ako sa goodness mo. Na sa loob mo, hindi mo ginustong gawin sa akin na saktan ako ng ganito at iwanan sa ere katulad ng ginawa mo matapos mo sabihin sa aking “Mahal kita”. 
Kung hihingi ka lang ng tawad, kung lalapit ka lang at makikipagusap, kung haharapin mo lang ang kasalanan na ginawa mo sa akin, 
Mapapatawad kita, sigurado ako dun, dahil mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita.
At maniniwala muli ako sa “goodness”. 

Ere

Posted on: Abril 8, 2016

 

Hindi ko unang beses na sumakay ng eroplano

Pero sa tuwina, naroon ang magkahalong excitement at kaba

 

Excitement na parang bata na sa unang pagkakataon ay matutupad ang pangarap na makalipad

Na mahawakan ang mga ulap

Simpleng masabi na narrating ko ang alapaap.

At kaba—-

Kaba na baka magkaroon ng isang biro ang tadhana

At baka huling mulat na ng aking mga mata habang unti-unting

Umaangat na ang eroplano mula sa lupa.

 

Katulad ng pagsakay sa eroplano,

Hindi ko unang beses na mainlove—

Pero unang beses kong mainlove sa iyo.

 

Oo.

 

Magkaiba at magkapareho ang paglipad at ang mahalin ka.

Excited din ako noon—tandang tanda ko pa.

Dahil parang hindi kita kilala pero kilalal pala kita.

Alam mo yung pakiramdam ko noon?

Na para kang liwanag matapos ang halos pitong buwan na pagkakahimbing,

Na parang sa unang pagkakataon mahahawakan ko muli ang ulap,

Yung pakiramdam na mula sa pagbagsak, maaabot ko muli ang alapaap dahil syo…

Dahil sa pagmamahal mo.

 

Ngunit katulad din ng unang pag-angat ng eroplano mula sa lupa,

May kaba rin ako…

Na baka  katulad ka niya…

Baka katulad ka niya…

 

At lumarga ang eroplano at ang pagmamahal ko sa iyo.

Naging matiyaga kang hintayin ako habang pinapanood kita kung hanggang saan ka aabot—

Hanggang simula ka lang ba kakapit?

O hanggang gitna at saka ilalabas ang laman ng iyong tiyan dahil hindi mo na kaya ang hilo dala ng pagiging “high” sa alapaap?

 

Pero natameme ako sa iyo—dahil hanggang sa pagbaba mula sa mga ulap ay hawak mo ang kamay ko.

 

Tanda ko pa noon, tinanong kita— “Sigurado ka bas a akin?”

Sagot mo, “Sigurado ako.”

Yon ay matapos mong itapon ang dalawang susi ng kandado na kinabit natin sa may simbahan ng Baclaran.

Yung nagiisang susi na natira ay iniwan mo sa akin dahil ako ang may agam-agam,

Ako ang may duda,

Ako ang may takot nab aka maging katulad ka niya.

 

Kaya pinaghintay kita,

At naghinta ka, hindi lang literal habang abala akong nagaaral

Naghintay ka habang inaaral ko ang kimika ng katawan ng tao

Naghintay ka na ako mismo ang maghagis ng huling susi sa Baclaran para sabihin sa iyo na …

 

“Heto na,

 

Handa na ako,

 

Sigurado na ako,

 

Mahal kita.”

 

Mahal kita. Minahal kita.

Mahal na mahal kita.

Mahal na mahal pa rin kita.

 

Ngunit katulad ng kahit anong biyahe,

Lahat natatapos—

Lahat nakakarating sa paroroonan.

Yung biyahe lang natin ang hindi—

 

Dahil iniwan mo ako sa ere.

 

Iniwan mo ako sa ere

Matapos mong sabihing kumain tayo sa kinainan niyo noon;

 

Iniwan mo ako sa ere

Matapos mong hawakan ang aking kamay habang naglalakad at nagkukwentuhan ng mga ideya at pangarap at kung anu-ano pa;

 

Iniwan mo ako sa ere

Matapos kong makaidlip habang yakap mo ng mahigpit;

 

Iniwan mo ako sa ere

Matapos mong sabihin na “Mahal kita.”

 

Alam mo, kung nakinig lang ako sa kutob ko noong gabing iyon—

Kung alam ko lang na iyon na ang huling beses na makakasama kitang kumain,

Na huling beses na kitang makakasamang magplano ng mga gagawin natin magkasama,

Na huling beses mo nang hahawakan ang kamay ko habang naglalakad pauwi,

Na huling beses mo na akong yayakapin ng mahigpit,

At higit sa lahat,

Kung alam ko na iyon na ang huling beses na maririnig kong sabihin mong “mahal” mo ako,

 

Sana hindi na ako umalis sa tabi mo.

 

Ngunit sabi nga, wala naman handa sa huli,

Wala naming handa sa wakas.

 

Pero sana,

 

Sana pinili mong ilapag ang puso kong bugbog at halos wasak na

 

Dahil sa alapaap,

 

Sobrang sakit ng pagbagsak.

 

 

 

Pretend.

Posted on: Pebrero 14, 2016

Gaano kasakit na masabihan na “I was just pretending the whole time.”?

Hindi ko masabi.

Dahil nung narinig ko yun, parang nag-Absolute Refractory Period yung Limbic system ko.

Sa sobrang daming nararamdaman ko, wala na akong maramdaman talaga.

Hindi tumigil yung oras. Tumigil ako.

Tumigil ako.

Tumigil ako.

***

Ang sarap masabihan ng “Ikaw talaga, mahal kita, alam mo yun?”.

Alam ko, ilang beses ko narinig yun mula sa kanya.

Ilang beses din na alam ko naramdaman ko yung “pagmamahal” na yun.

Yung tipong naghintay siya ng ilang buwan para sa tanging araw na sasabihin ko sa kanya na “Oo”.

Yung tipong ihahatid ka sa paagpasok,

maghihintay sa initan maghapon hanggang matapos ang klase mo,

ihahatid ka sa paguwi ng medyo gabi na dahil sa layo.

Ramdam ko yun. Sa matinong tao na tulad mo, akala ko, hindi e, naramdaman ko na totoong mahal mo nga ako.

Titingnan mo ako, mula sa pagdarasal sa Baclaran nung hapon na yun at kahit hindi ka magsalita, nakita ko sa mga mata mo na oo, mahal mo nga ako.

***

Tanda ko pa yung paliwanag mo noon.

“Ito yung susi ko,” sabi mo sabay tapon ng susi sa kabila ng bakod.

“Ito yung ekstrang susi,” sabay hagis muli nito sa kabila ng bakod.

“At ito ang susi mo,” abot mo ng nagiisang susi ng kandadong nilagay mo sa riles ng bakod na yun nung gabing yun. “Nasa iyo na kung itatapon mo rin yan kasama ng iba or bubuksan mo yung kandado.”

“Ako, sigurado na ako sa iyo.”

Tiningnan lang kita nun. Hindi ko naisip na ganun ka kaseryoso sa pagsuyo mo sa akin. Pero ngumiti ako at sinabayan ka lang lumakad palabas ng simbahan, yung susi tinago ko sa aking bulsa.

***

Alam ko, makailang beses kita tinanong kung sigurado ka sa akin.

Hindi naman nagbago yung sagot mo.

Hanggang dumating yung araw na tinapon ko rin yung natitirang susi ng kandado natin. Sabi mo, sigurado ka sa akin.

Sigurado rin ako syo.

Pinatunayan mo naman. Nakita ko.

Higit sa lahat, NARAMDAMAN KO.

***

“I was just pretending the whole time”.

WOW.

Sana ganun talaga ako kabobo para katanggap tanggap ang mga sinabi mo. Sana.

“Hindi ka niya minahal talaga.”

BIG LIES.

Hindi ko maubos maisip paano mo nagawang humabi ng ganun kalaking palabas sa ganun kaikling panahon.

O kung paano mo naisip na pwede mo akong gaguhin ng ganyan kagrabe and get away with it.

***

I am going to pretend that you didn’t say all those things.

Alam mo, MAHAL NA MAHAL KITA. Alam mo yun?

At hindi mo alam kung gaano mo ako nasasaktan ngayon.

Isang araw, sinabi mo na mahal mo ako, at ramdam ko yun sa higpit ng yakap mo nun.

Kinabukasan, sa hindi malaman na dahilan, bigla kang nangiwan sa ere.

At ang mas nakakatawa, ineexpect mong tanggapin ko lahat ng wala man lang kahit isang katanungan.

“What is there to talk about?” you said.

EVERYTHING.

***

“Panda, Wala, Sorry if dati hindi kita nabibigyan ng time masyado… Ngayon naiintindihan kita na dapat natural lang na I spend time with you kahit pagod ako or kung ano man reason kasi mahal kita… Sorry lately ko lang narealize yun.. Sorry di ko napapakitang priority kita..Priority kita padas.. You have my heart.. Mahal kita panda ko.. I will make time for you starting today my panda.. I love you so much.”

 

 

Salamat sa Pagbisita :)

  • 166,663 hits

Past. Present. Future.

Hunyo 2018
L T M H B S L
« Dec    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

tweet tweet!

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

Advertisements
%d bloggers like this: