Pretend

Ang dali lang magkunwari na okay… Ang mahirp yung makakita ng taong makakabasa lagpas sa pagkukunwari mong okay ka.

Minsan naisip ko, yung katabi ko kaya alam na hindi ako okay? Kapag sinabi ko kayang “okay lang ako” sa kahit sinong magtanong sa akin kung okay lang ako, naniniwala kaya sila kapag sinagot kong “okay lang ako”? Minsan kaya, kahit hindi ako magsalita, nararamdaman kaya nilang hindi ako okay?

Ngayon kasi, hindi ako okay. At sa katahimikan na aking binabalot sa sarili ko, naisip ko lahat kaya sila na nakapaligid sa akin alam kung gaano ako kawasak sa mga sandaling ito?

Ikaw, naisip mo ba yan?

Madalas kasi para sa akin, kahit na sila pa yung mga taong pinakamalalpit a iyo, sila pa yung hindi marunong makakita na wasak na wasak ka. Madalas, sila pa yung titingin sa iyo na masama ka. Lalong nakakawasak.

Ang mahirap pa, kapag narinig kong sabihin sa akin na ako pa raw ang hindi nagsasabi ng nararamdaman ko. Ang sa akin naman, hindi lahat kayang saklawan ng bahagyang salita. Kung tutuusin, kulang pa ang mga salita par ipaliwanag kung gaano kawasak ang pakiramdam ko. Ni scotch tape, susuko sa tangkang pagdugtung-dugtungin ang piraso ko.

Hindi ako nagsasalita o nagsasabi sa kanila ng pakiramdam ko dahil inaasahan kong dahil sila ang pinakamalapit sa akin, mauunawaan nila ang nararamdaman ko kahit wala pa akong bigkasing salita PERO ANG LAKI NG PAGKAKAMALI KO. Ako lang ang lumalabas na walang pakialam sa pakiramdam nila. Na kailangan ipaliwanag ko pa lahat sa kanila. Kailangan ipagtanggol ko ang sarili ko sa mga mapangparatang nilang tingin at buntung hininga.

Ang sakit lang na sila na natunringan na pinakamalapit sa iyo, sila pa ang unang mantataboy sa iyo. Sila pa ang unang tuturo ng daliri sa iyo. Sila pa yung HINDI MAKAKAKITA SA PAGKAWASAK MO.

Hindi ako okay. Pero bukas, kailangan kong magkunwari na okay ako dahil may trabaho. Dahil kailangan kong makiharap sa tao. Dahi kailangan, LAGI AKONG OKAY.

I always get the blame. Pero I am too broken to even defend myself. Ang tamang salita, WALA NA LANG AKONG PAKIALAM.

***

Ang dali lang magkunwaring okay ka. Ang mahirap yung makakita ng taong makakabasa lagpas sa pagkukunwari mong okay ka.

Wasak na wasak ka na, hindi pa nila alam.

Nakakalungkot lang.

***

Okay lang ako… Huwag kayong mag-alala…

Oo nga pala, wala nga palang nag-aalala.

 

2 thoughts on “Pretend

  1. Everything will be ok for you for sure…Maniwala ka, meron at meron pa ring isang tao na makaka unawa sa anumang kalagayan mo sa ngayon. Ang pagpapakita natin sa ibang tao na okay lang tayo ay minsan pagpapakita na tayo ay malakas at matatag. Hindi isang kahinaan. Cheer up gurl 😉

Mag-iwan ng puna