SENTI 11: FRENCH FRIES

Kapag nagsimula talaga sa mali ang umaga mo, hanggang hapon malas na ang aabutin mo. After ng encounter ko kay Jaime, sunud-sunod na ang kamalasan na bumungad sa akin.

Napagalitan ako sa Compa Lec.

Nawala yung assignment ko sa BioStat.

At higit sa lahat, bagsak ako sa last quiz ko sa Chem Lec.

Kaya heto ako, imbes na gumigimik kasama si Raine at iba pang girls sa block namin, papunta ako ng library para gawin yung extra work na hiningi ko sa prof namin sa Chem.

ATE ISSA!!!

I stopped dead on my tracks pagkalabas ko ng pinto ng Main Building. Alam kong si Hannah ang may-ari ng boses AT alam kong may kamalasan na naman akong haharapin kapag hinarap ko siya. Tuloy ang pagtawag ni Hannah sa pangalan ko.

ATE ISSA!!! Haaaay! Sana kaya kong tiisin si Hannah, kaya lang hindi e. Humarap ako at agad niya akong dinamba ng yakap na halos mapatumba ako sa pavement.

HANNAH, HELLO! ANO GINAGAWA MO DITO? Kiniss ako ng bata nang magkalevel na kami ng mukha.

MAGDIDINNER KASI KAMI KASAMA SI, UHM, JANE. WALA KASI SINA MOMMY AT DADDY SA BAHAY KAYA SINAMA KO NA SI HANNAH AT SI YAYA.

Si Jaime na ang sumagot ng tanong ko. Ngiti lang si Hannah. Napansin ko ring naka-japorms na ang mokong at hindi na school uniform.

AH, OKAY na lang ang sagot ko. Ayoko nang magtagal pang kaharap na naman ang mokong. Tama na ang bagyo ko ng kamalasan buong araw.

SIGE, MAUNA NA AKO SA INYO. MAY KAILANGAN PA KASI AKONG GAWIN.

Ngumiti ako kay Hannah, at sinubukang bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng kapatid ni Jaime pero mukhang ayaw niya pa itong bitiwan.

KUYA, CAN ATE ISSA JOIN US FOR DINNER? PLEASE? Bambi eyes napakiusap ni Hannah. Dasal naman ako na sana hindi pumayag ang mokong. Please, Lord, hear my prayers.

HANNAH, ATE ISSA HAVE THINGS TO DO. SOME OTHER TIME NA LANG, OKAY? At saka kinuha ni Jaime ang kamay ni Hannah na nakahawak sa akin. Tumayo ang balahibo ko nang saglit na dumampi ang kamay niya sa kamay ko. Tumango siya sa akin, and I took that as a sign na umalis na bago pa ako mapilit ng tuluyan. Kinawayan ko na lang si Hannah at saka tumalikod.

At the same moment, narinig kong tumunog ang isang telepono. Narinig ko pa na sinabi ng mokong na hindi na makakasama si Jane. Binilisan ko lalo ang lakad. Mahirap na.

Paliko na ako sa library nang biglang nasa tabi ko na si Jaime. Oh no.

ISSA, Tumigil ako sa paglakad. JOIN US FOR DINNER, PLEASE.

Lumingon ako at nakitang nagho-hop pa na papalapit sa amin ni mokong ang cute niyang kapatid.

For the nth time, niyakap ako ng kamalasan.

***

May McDo naman sa school, pero dahil may kasama kaming bata, kinailangan naming maghanap ng McDo na may play place. Oo, McDo ang gustong dinner ni Hannah.

KAPAG NASA BAHAY KASI HINDI SIYA PWEDENG KUMAIN NG FASTFOOD, KAHIT PA MAGUWI AKO. Sinagot ni Jaime ang pagtataka na kanina pa nakatatak sa mukha ko nung pumasok kami sa McDo.

DAPAT HINDI MO NA SIYA SINO-SPOIL IF SINASANAY NA PALA SIYA NG MOMMY MO NA WALANG FAST FOOD. Pinanuod kong maglaro ang kapatid ni Jaime kasama ang ibang bata.

MA’M, HINDI PO KASI MATANGGIHAN NI SIR JAIME SI HANNAH. For the first time, nagsalita ang yaya ni Hannah.

YA, ALAM MO NAMAN KUNG GAANO KA-STRICT SINA MOMMY AT DADDY. I JUST WANT HANNAH TO EXPERIENCE THINGS NA BAWAL SA BAHAY. EXCEPT, OF COURSE, KUG MASASAKTAN SIYA. Papogi na ngiti at sagot naman ni Jaime. Nakatingin pa rin ako sa mga naglalarong bata habang dumutukot ng French fries nang biglang naramdaman ko na naman yung pananayo ng balahibo ko. Pagtingin ko, iisang fries lang ang hawak namin ni Jaime.

SIGE, SAYO NA YAN, BILI NA LANG AKO ULIT. Patayo na ako nang hawakan niya ako sa braso. Para na akong nasisilya elektrika sa tuwing hinahawakan niya ako kaya bigla kong shinake-off yung kamay niya.

AKO NA ANG BIBILI. AKO NAMAN NAG-AYA SA ‘YONG SUMAMA. UPO KA NA LANG DYAN. Hindi na ako naka-angal, tumayo na siya at bumili ng bagong set ng French fries.

ALAM MO MA’M, IBA ANG DATING NIYO NI SIR JAIME SA AKIN.

Napatangin naman ako sa yaya nila. Ano naming dating namin ng mokong na yun sa kanya?

DON’T GET ME WRONG MA’M AH,  napatingin na lang ako sa page-English ni yaya sa akin, pero pinakinggan ko ang sinabi niya. PERO HINDI GANYAN SI SIR JAIME KAPAG KASAMA SI MA’M JANE.

Medyo tumaas ang kilay ko.

MAS, ANO NGA YUNG TERM NA YUN NA GINAGAMIT NILA SA SINE? YUN, ‘LOOSEN UP’ SIYA. KAPAG ANDYAN PO KASI SI MA’M JANE, PARANG LAGI PO SIYANG TENSED. NGAYON PO, NA WALA SI MA’M JANE AT IKAW YUNG ANDITO, MAY ONTING NGITI SA MGA LABI NI SIR.

Napatingin ako kay Jaime na nakapila sa counter para sa French fries. Dun ko nakita na nangiti na lang siya. Hindi yung krung-krung type ng ngiti… pero yung ngiti na alam mo na…

IBA ANG CHEMISTRY NIYO NI SIR JAIME, MA’M. Binalik ko yung tingin ko sa yaya nila. HINDI KAILANGAN NG CATALYST PARA MAGSIMULA. MERON NA TALAGA.

Hindi ko alam kung saan nabasa ni yaya ang tungkol sa Chemistry at kung anu-ano pa. Dumating na ang mokong dala ang mga fries. Binaling ko ang tingin ko sa naglalaro pa ring si Hannah.

Naupo si Jaime sa tabi ko, kinalabit ako, ngumiti at saka sinabi, KAIN KA NA. MASARAP YUNG FRIES, BAGONG LUTO. 

Lumingon ako at nakita kong nakangiti si yaya.

Chemistry at French fries talaga?

Mag-iwan ng puna