SENTI 13: Closer You and I

Para akong zombie na kinakaladkas ang sarili paakyat ng grand staircase kinabukasan. Hindi ako nakatulog kagabi, yun ang totoo. Kung ano ang dahilan, hindi ko alam. Yan din ay isang katotohanan. Ayaw ko namang palaging i-ugnay kay Jaime ang kamalasan ko kahit pa kami ang magkasama kagabi.

Sumalampak ako sa upuan na na-save ni Raine sa canteen sa 4th floor.

Wagas ang hitsura mo, friend. Yan ba ang dulot ng pagtambay na kasama si Jaime Buenaventura? THE Jaime Buenaventura?

Inirapan ko ang kaing bestfriend, apartment mate at dakilang alalay. Minsan talaga, hindi ko alam kung kaibigan ko ba siya talaga o hindi. Binuklat ko ang notebook ko at nagsimulang mag-aral para sa test mamaya sa CompaLec. Sabaw na ako, lalo pa akong nasasabaw sa mga information na hinid ko makuhang maintindihan sa mga oras na ito. Padulas-dulas ako sa pagiging gising at tulog nang magsimulang sumipa si Raine sa ilalim ng lamesa.

Ano ba, Raine? Sipa ka ng sipa dyan. Tigilan mo nga ako.

Tiningnan ko ag kaibigan ko. Parang inipit ang mukha niya na hindi mo maintindihan.

Ayusin mo nga yang hitsura mo. Para kang ewa…

Can I join you, girls?

Bigla akong napabalingtwas sa narinig kong boses and came crashing sa boy-next-door smile ni Jaime. Naupo siya sa tabi ko habang ang kaibigan ko naman ay patuloy sa pagiging bungisngis niya.

Anong ginagawa mo? Yun na lang ang nasabi ko. I can just see my face: dilat na dilat ang mga mata sa disbelief na ang Jaime Buenaventura ay nakaupo kasama namin at nakikita yun ng madlang people.

Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito?

Nginitian lang ako ng mokong at saka naglabas  ng isang Tupperware na may isang smalaking slice ng cake nung buksan niya.

Binake yan ng mom ko. Naisip ko, baka magustuhan mo kaya I brought you a slice. If magustuhan mo nga, I can bring some more bukas.

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Jaime. Gusto ko naman siyang maging kaibigan, pero hindi sa ganitong paraan, na lantaran. Aminin ko man o hindi, si Jaime ay kabilang sa mga “elite” people ng college. Pakiramdam ko nga, habang andun kami at nasa eksenang binibigyan niya ako ng cake, ang dami na ang nagbibigay sa akin ng “dirty looks” kahit pa alam nilang  may so-called girlfriend siya (na sinabi niyang hindi naman talaga sila official pa).

Tikman na natin yung cake! Bulalas naman ni Raine. Wagas din talaga itong kaibgan kong ito. Kinuha niya ang fork at sinimulang lantakan ang cake na dala ni Jaime.

At wala na akong nagawa.

***

Uwian na noong maisipan kong dumaan ng Org Room, hindi para sa kung anumang org kundi para kausapin si Jaime. Ilang beses kong piniag-isipan kung kakausapin ko ba siya o hindi hanggang sa makita o na lang ang sarili kong nasa harap na nung kwarto.

Umalis ka na kung hindi mo rin naman alam kung ano ang sasabihin mo sa kanya!

Kung hindi si Raine ang kaaway ko, yung konsensya ko naman. Pero mas malala ang konsensya ko. Pinili ko ng makinig sa kanya pero huli na ang lahat Bumukas ang pinto ng Org Room at lumabas si Jaime kasama ang mga member ng council. Bago pa  man din ao makahakbang palayo, nakita at tinawag na ako ng mokong.

Issa! Nagpaalam na siya sa mga kasama niya at saka siya lumapit sa akin sabay ngiti.

Do you need anything? Andyan ba si Dex? Do we need to put on uhm…

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Ayoko rin na isipin niya na kailangan ko siyang magpanggap bilang “boyfriend” ko tuwing nilalapitan ko siya.

No, uhm, wala so Dex. Actually, matagal ko na siyang hindi nakakausap which I think is a good sign. Ngumiti rin ako, ng onti.

So what can I help you with? Sabay ngition ulit ng ngiting yun.

Alam ba niyang ganun ka-cute ang smile niya?

Gusto ko lang mag-apologize about kanina…Medyo nasigawan kita nung bigla kang naglabas ng cake sa table namin. I’m sorry.

Yumuko ako. Nagantay ng sagot. Ang tagal. Should I look up na lang para makita kung ano ang reaction niya?

No need to apologize, Issa. Sabay angat sa mukha ko gamit ang pointer finger niya. Parang umagos ang kuryente.

Note to self: iwasan ang close contact with Jaime. 

I wasn’t thinking kanina. I figured since may bonding moment tayo kagabi, it would be okay with you na maging magkaibigan tayo. Pero judging from the way you reacted kanina, I shouldn’t have done that gesture…

Bigla na naman akong nahiya sa mokong na’to sa sinabi niya. Lalo tuloy akong naguilty.

I’m sorry. Hindi naman sa ayaw kitang maging kaibigan, Jaime…

Kaya lang…? Medyo tumaas ang kilang ng mokong, expecting na may karugtong ang sinasabi ko. I get the feeling na palagi siyang nakakatanggap ng reasons na tulad ng sasbihin ko.

Kaya lang, aminin natin, you are THE Jaime Buenaventura. Super sikat sa buong college. Lahat  gustong maging close sa’yo. Lahat ng girls, may crush syo. I just feel na kapag naging kaibigan kita, araw-araw na ginawa ng Diyos, I would get the LOOK from all these people.

Tumawa ang mokong. Natulala ako sa reaction niya.

Yun b ang worry mo? Tumango ako. What if I tell you don’t give a damn sa reaction ng iba lalo na ng ibang mga babae?

You won’t… give… a damn..?

Definitely, hindi ko na alam kung paano ako magrereact sa sinabi ng mokong na kaharap ko.

Yeah, I don’t and I won’t give a damn sa reaction nila. If binigyan ka nila ng the LOOK, sabihin mo sa akin. Ako ang bahala. I get to choose who I want to be friends with. Hindi sila ang dapat gumawa nun para sa akin.

Para akong tanga sa mga sumunod na eksena.

You want to be friends with me?

Ngumiti na naman siya sa akin. Oo naman. Bakit naman hindi?

Wala na talaga akong masabi. Gusto ko ng sampalin ang sarili ko para lang magising.

THE Jaime Buenaventura? Gustong makipagkaibigan sa akin??

Boring akong tao, Jaime. Kaya maliit lang ang circle of friends ko. Tapos gusto mo pa akong maging kaibigan? Nagbibiro ka ba?

Tumawa ulit ang mokong.

Hindi ko kailangan ng kung anu-anong dahilan para makipagkaibigan sa iyo. I want to be friends with you kahit gaano ka pa ka-boring. Hahaha! One more thing before we seal the deal of being friends in public.

Natatawa na rin ako, pero bigla akong natigilan dahil sa pahabol na sasabihin ng mokong.

Ano yun?

Once you become my friend, know that I will stick around kahit anong mangyari. Kaya make sure na kapag naging magkaibigan tayo, hinding hindi ka maiinlove sa akin.

Turn ko na talagang tumawa ngayon sa sinabi niya. Ako? Mai-in love sa kanya? EXCUSE ME NAMAN.

Jaime, in case na nakakalimutan mo, nasabi mo na yan sa akin, mula nung… Binulong ko ang mga sumusunod kong sinabi. Nag-agree kang magpanggap na boyfriend ko sa kaharap ni Dex. And sinabi ko na rin sa iyo na HINDING-HINDI ako mai-inlove sa’yo. Siguro dapat it’s my turn…

Yeah, yeah, I remembered you said that. It’s your turn to what?

Ngumiti ako. Tiningnan ko siya sa mga mata niya.

Since you decided na gusto mo akong maging kaibigan, turn ko namang sabihin sa iyo na…

Na?

Huwag kang mai-in love sa akin.

Tiningnan ko ang magiging reaction niya. Hindi nawala ang ngiti niya, Lalo pang lumaki.

Game? Hindi ko mapgilang magtaas ng kilay sa kanya.

Game. 

Mag-iwan ng puna