SENTI 15: Second Chances

Pag-uwi ko ng apartment, may isang tub ng ice cream sa mesa. May letter pang kasama.

Dear Issa, 

So sorry nabigay ko kay Jaime ang number mo. Na-starstruck ako, friend. Palagi ko siyang nakikita sa Org Room pero iba pala kapag uber close up na. 

I’m sorry. 

Love, Raine.

Lumabas ka na dyan. Ganyan si Raine kapag alam niyang may atraso siya sa akin: ice cream sa paborito kong flavor at letter. 

Hindi ka na galit sa akin?

Syempre! sigaw ko sabay taas pa ng kamay ko. Galit pa rin ako! Alam mo namang iniiwasan ko yung taong yun eh. Torture na nga na nagpapanggap kami na “in a relationship” kami sa harap ng ex ko, tapos ngayon biinigyan mo pa siya ng access sa akin???

Pero syempre, galit-galitan lang ako. Gusto ko lang makita ang wagas na reaction ng best friend ko.

Isabelle naman eh…

Naupo ako at binuksan na ang lalagyan ng ice cream. Alam na ni Raine yun. Naupo na rin siya.

So nagtext na siya sa iyo? tanong ni Raine.

Ano sa tingin mo? tanong ko sabay sub ng ice cream.

Siya yung nagtext syo bago ka nag-pracs kanina noh? Kita ko yun eh, bungisngis na sabi ni Raine. I rolled my eyes. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na napagkasunduan namin ni Jaime na subukang maging magkaibigan. 

Ano bang meron at biglang gusto kang kontakin ni Jaime? 

Nagkibit-balikat lang muna ako. Ewan ko, hindi ko alam. Magtatanong pa sana ulit si Raine nung tumunog ang cellphone ko. Nakipagunahan pa sa akin sa pagdampot ng phone si Raine, pero mas mabilis siya sa akin.

Ako na! Gusto kong makita… Natigilan siya sa pagbasa sabay balik sa akin ng telepono ko. Si Dex. Akala ko naman si Jaime na. Bakit ba nakasave pa sa phone mo yang number ng ex mo???

Binasa ko yung message.

O, bakit ganyan yung mukha mo? Anong sabi ng magaling mong ex?

Nandyan daw siya sa labas. It was Raine’s turn to roll her eyes.

Huwag mong sabihing lalabas ka? Tumayo ako. Umirap si Raine. 

Babalik ako in 10 minutes. If hindi ako bumali in 10, sugurin mo na kami sa labas. 

Lalong nagroll ang mga mata ni Raine. 10 minutes. Ang tigas talaga ng ulo mo, Isabelle. 

***

Paglabas ko, nakita kong nakasandal sa kotse niya si Dex. Hindi ako lumabas para ipakitang “into” him pa rin ako. Gusto ko lang malaman kung anong kailnagan niya. Yan ang paulit-ulit kong sinasabi ko sa sarili ko.

Anong ginagawa mo dito?

Issa… lumapit siya pero I kept a good distance between us. Sorry if nagpunta ako ng biglaan.

He gave me that smile. I kept a straight face. Anong ginagawa mo dito? pag-ulit ko sa tanong ko. Lumapit si Dex, sinenyasan ko siya. Hanggang dyan ka lang. Sabihin mo na kung anong kaiangan mo. Marami pa akong gagawin.

Issa, I know it’s been a year mula nung hindi na tayo nagusap. And I was just wondering if… Nagpause si Dex, nagtaas ako ng kilay. 

Ano? Gusto kong magsisi kung bakit pa ako lumabas para sa mokong na ito.

I was just wondering if pwede kitang dalawin minsan dito sa apartment nyo or sa school…

Tama ba yung naririnig ko? Gusto akong dalawin ng ex ko??? Nakalimutan na yata niya ang mga nangyari sa amin kaya we ended up like this: NOT even friends.

Pwede ba, Dex? Let’s not pretend na walang nangyaring hindi maganda between us.

I’m sorry, Issa.

I think “sorry” wouldn’t fix everything, Dex. Kaya let’s not pretend na magiging “okay” pa tayo.

Dex took another step towards me. I took one step back.

Alam ko na ang mga nagawa kong pagkakamali, Issa. I’m willing to start over. If you would just let me…

Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?? sigaw ko sa kanya. Umalis ka na. Ayaw ko ng marinig pa yang mga sasabihin mo. 

Issa, please…

And right on time, lumabas si Raine. Or feel ko, sinundan niya talaga ko sa labas. Either way, buti na lang lumabas siya.

Issa, marami pa tayong gagawin. Tara na.

Sana pag-isipan mo muna yung sinabi ko, Issa. I’ll just text you na lang ulit or maybe drop by sa free time mo. Bilib din ako sa katigasan ng face ng ex ko.

Hindi na magbabago ang sagot ko. It’ll still be a NO. Besides, may boyfriend na ako, remember?

From the corner of my eye, nakita kong nagflinch ng konti si Raine at the mention of the word “boyfriend” pero sana hindi nakita ni Dex. Otherwise, madali niyang malalaman na for show lang ang ‘relationship’ namin ni Jaime. 

I won’t give up, Issa. And with that, sumakay na siya sa kotse at umalis. 

Hindi mo na kailangan i-kwento or hindi ko na kailangang kulitin ka pa for details. Sorry, narinig ko lahat. I just don’t trust your heart pagdating sa ex mo.

Tama lang na sinundan ako ni Raine dahil hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang mapagtiisan si Dex.

Okay lang, Rains. Hindi ako magagalit sa ‘yo. Thank you, kundi hindi ko alam… haaay.

Friend, sinasabi ko sa’yo. Kilala ko yang si Dex. Pero mas kilala kita. Kapag namalan niyang palabas lang sa inyo ni Jaime, gagawa at gagawa siya ng paraan para magkabalikan kayo.

Umiling ako. Gusto kong maniwala na hidni na ako babalik kay Dex.

I know better now. Mas matalino na ako ngayon sa sitwasyon na yan.

Issa,  lumapit sa akin si Raine. Alam kong smart dito,  tumuro siya sa ulo ko. Pero alam kong napakatanga niyan. 

Sinundan ko ng tingin ang daliri ni Raine na nakaturo sa puso ko. 

Mag-iwan ng puna