36 and Moving Forward

I guess it took me listening to that one song to be able to write this almost a week late birthday blog. Sa sobrang tagal ko nang hindi nakakapagsulat, nakalimutan ko na kung paano magsimula ng kusa.

Yung dating automatic, naging struggle na. Kung mahanap man ang tulak, hindi nasusustain. Pero heto, heto na. Tingnan natin kung saan mapupunta itong birthday post na ito.

Yep, 36th. Official started my “late” 30s. Ano ang feeling?

To be honest, hindi ko alam. Life just… continues. Siguro, masyado nang maraming “stops” ang nadaanan ko, na ngayon, tila wala na akong panahon para tumigil. Just this once, baka I owe it to myself na hindi na magpause para sa mga tao at bagay na hindi na mahalaga.

At this point, sabi ni Universe, “Ikaw naman, Abi. G?”.

Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na wala akong pagsisisi in the past 35 yrs ng buhay ko. Syempre, meron. Ngunit kaya ko na silang linguning nang hindi pinapangunahan ng kagustuhang tumakbo pabalik.

Lilingon pabalik, ngunit hahakbang pasulong.

Ako naman.

Just this once, paisa lang in this lifetime, Universe.

Paisa lang na maisulat ang ending na gusto at pinili ko.

Paisa lang na makatayo ulit pagkatapos makuyog ng mga ganap na dulot ng kabataan at katangahan ko.

Paisa lang na maibalik ulit yung “fire” sa mga mata ko na dating puno ng ningas.

Paisa lang na hakbang sa landas at pagkakataon na pinili ko at pinili rin ako.

Paisa lang bawiin yung saya sa mga ngiti na meron ako.

Paisa lang. Para masabi ko pagdating ko sa dulo na nagpatuloy ako despite and inspite of.

Hindi naman siguro kalabisan ang isa. Kasalanan rin kung totally wala.

***

36 and moving forward. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng daan na pinili ko. Ngunit gaya ng sinabi ko nang piliin ko ito, gusto kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko.

At kahit sarili ko pa ang kalaban ko sa mga pagkakataon na tinatanong ko kung tama ba ang pinili ko o kung “deserve” ko ba ito, hindi ako titigil sumulong nang walang laban.

Sa mga nanatili, maraming salamat.

Sa mga naniwala at naniniwala lalo na kahit ndi ako naniniwala sa sarili ko, maraming salamat.

Sa nagbigay ng pagkakataon, maraming salamat. Sa lahat pintuan na kinatok ko, pinagbuksan mo ako. And that made a huge difference sa pagpiling hindi na linguning ang mga pintong pinagsarhan ako.

Hindi ko alam kung ano naghihintay sa landas na nilalakaran ko ngayon. Pero hindi ako aalis nang walang laban this time. Utang ko sa sarili ko na ilaban itong puwang, itong espasyo na inuukupahan ko.

Kaya Universe, paisa lang. G?

Mag-iwan ng puna