Na-GHOST Ka Na Ba?

Cute hand drawn funny ghost Royalty Free Vector Image

It’s the year 2020. At habang ang lahat ng mga bagay ay nagiging makabago at advanced, ang mga paguugali at asal naman ng mga tao ay pabaligtad ang paggalaw. I mean, sa panahon na dapat ay maalam na tayo lalo na sa pakikipagkapwa, hindi na dapat mahirap ang komunikasyon sa pagitan ng isa’t isa.

Pero sadyang mapagbiro nga naman ang ebolusyon. Dahil imbes na maging mas articulate tayo sa pakikipagrelate sa mga taong nakapaligid sa atin, mas pinipili pa ng iba na takbuhan ang pakikipag-usap at pagtuguan ang isa’t isa.

Ang term ng Gen Z, at mangilan-ngilang millenials dyan ay, TADAAAAAH!: Ghosting.

Ano nga ba ang Ghosting?

Hindi ako maniniwala na hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin niyan. *peace* But let’s define the term.

Ayon sa Google dictionary, Ghosting is the “PRACTICE of ending personal relationship with someone SUDDENLY and WITHOUT EXPLANATION withdrawing from all communication”.

Ang sabi naman ni Urban Dictionary, it is “when a person cuts off ALL COMMUNICATION with their friends or the person they’re dating, with ZERO warning or notice beforehand. You’ll mostly see them AVOIDING phone calls, social media, and avoiding them in public”.

Yes, naka-bold talaga yung mga salitang practice, all communication, suddenly and without explanation, zero warning, at avoiding. Dahil yan ang essence talaga nga practice na yan. Isipin niyo, dati, pancit canton lang ang instant, ngayon pati ang pakikipaghiwalay (sa kahit anong aspeto) ay instant na. Look how we evolve: isang hakbang pasulong, dalawang hakbang patalikod. Nakakalungkot lang.

Anyway, I wanted this rambling to be as light as possible, pero dahil base ang karamihan dito sa totoong buhay at firsthand experience, may mangilan-ilan dyan na mararamdaman at malalasahan mo ang pait at sarcasm (Char!) ng mga salita. Mabibilang ko pa naman sa kamay ko kung ilang beses kong naranasang ma-ghost, pero ayaw ko nang madagdagan pa yan sa hinaharap, dahil sino ba naman ang gustong bigla na lang maiwan sa ere, dba?

So, paano ba malalaman kung i-gho-ghost o ghinoghost o na-ghost ka na ng taong gusto/dinadate/nilalandi/ka-MU/kapalitan ng sweet messages o ng boyfriend mo mismo? Marami sa atin ang malabo ang mata, pero mas lumalabo ito kapag red flags na ang binabasa. Minsan kasi wumawagayway na sa harap natin ang mga red flags, wala pa rin tayong nakikita o nahahalata (ANOOOO BAAAA, DBA?!?).

Kapag napansin mo na ang mga sumusunod, senyales na isinasagawa na niya ang ghosting sa iyo:

10. Yung Good morning! Kain ka na ng breakfast texts, padalang ng padalang.

Yes, at some point, you are at the receiving end ng mga ganyang good morning messages. Nang WALANG PALYA. Aminin, nadala tayo sa galawang ganyan dahil nakaka-special nga naman kapag pagmulat pa lang ng mga mata niya ay ikaw na agad ang naisip na i-text. Subalit tumatagal lang ng halos mga tatlong linggo ang good morning texts na ganyan. Pagpasok ng ika-apat na linggo, unti-unti na yang maging madalang hanggang sa… *POOOOFF* wala na…

9. Yung mabilis pa sa alas-quatrong reply, unti-unting nagiging sing-bagal ng internet connection mo.

Sa una, hindi mo pa naibababa yung phone after mai-send ang reply mo sa kanya, meron na agad siyang sagot. Hindi ka nagaantay ng higit sa isang segundo bago mo makita ang status na SEEN sa Messenger chat niyo. But darating yung point na nakalinis ka na ng kwarto, nakapagtiklop na ng mga damit, nakapag-ayos ng mga kalat, pero wala pa rin siyang reply sa message mo na pinadala nung umaga. Minsan maswerte pa nga kung magreply siya kinagabihan.

8. Minsan, yung reply niya sa chat message mo, after a month pa darating.

Yes. Totoo yan. Magaantay ka ng isang linggo hanggang sa umabot na ng isang buwan na halos sigurado ka nang minulto ka na niya. Tapos biglang makakatanggap ka ng unexpected message mula sa kanya with an excuse na wala daw dumating na message mo at ikaw pa ang akala niyang nang-ghost sa kanya. *kibit balikat sabay roll ng eyes*

7. Dumarami ang excuses kung bakit madalang nang mag-usap.

Glitch sa messaging app. Busy. Inuman with friends. Tulog. Late nang nagising. Wala sa mood. Errands. ML. Dota. Walang load. Binge-watching ng KDrama sa Netflix and the list goes on and on and on and on…

6. Nagsisimula na siyang maglihim syo.

Naranasan ko ito sa ex ko na ulitmate ghoster. Hindi naman sa inuusisa ko at all kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya oras oras. May mga instances na maalala mo siyang tawagan out of the blue kasi namimiss mo na yung boses niya, o dahil hindi siya nagpaparamdam buong maghapon and nagwoworry ka na. Tapos malalaman mo na on the way siya sa airport para ihatid yung ex niya. Or nasa frat party siya, about to be recruited. Or nilock out ka niya sa phone niya na dati ay hiningi pa niya ang fingerprint mo para mabuksan mo ito without having to ask him to open it.

5. Isang tanong, isang sagot ang mga reply.

In short, ikaw na lang ang nagbubuhat ng conversation.

4. Friend mo pa rin sa Facebook, nagviview pa rin ng stories mo, pero hindi nagreply sa message/s mo.

Ahhh, yes. May galawang ganyan. Para bang naghihintayan kayo kung sino ang mauunang mag-unfriend sa inyong dalawa. #LURKINGSIYA

3. Pahirap nang pahirap siyang macontact.

Sa text, sa Messenger, sa Viber, sa WhatsApp, sa Telegram.

Subscriber cannot be reached.

Sent (hindi man lang delivered).

Not in Viber.

Need I say more?

2. Seenzoned ang message mo from a month ago.

Red na red ang flag na yan. Huwag nang tangkain pang magfollow-up message. Sayang ang effort. Intentional na ang hindi niya pagreply sa iyo. Period.

And the top sign that he/she has ghosted or is ghosting you:

Blocked ka na sa lahat ng social media apps that you can use to reach out to him/her.

Completely cutting you off is the end all and tell all sign na yes, buhay pa siya pero nagmulto na siya sa iyo. Don’t even think of asking for an explanation because that would be futile. If he/she has resort to blocking you, it’s time to take back the benefit of the doubt na binigay mo sa kanya in the past weeks and month na hinihintay mo siya na magparamdam. At huwag nang umasa na after maging multo ay susulpot siya na parang kabute at biglang kausapin ka ulit. No, he/she will not come around. And even if he/she does, I think you should think twice before giving him/her another chance.

***

One question that I have yet to find an answer to is this: Bakit kailangan humantong sa pang-gho-ghost?

Mas madalil ba itong gawin kaysa maging honest?

Higit bang nababawasan ang sakit na maidudulot nito kaysa harapang makipag-hiwalay?

Higit bang nababawasan ang feelings of guilt for hurting someone?

Does it boost your ego that you are able to hurt people and get away with it?

Hindi lang naman sa isang love relationship nangyayari ang ghosting. Ngunit kahit saan pa mang uri ng relasyon ito maranasan, there is one thing I am sure about it: It’s traumatizing. 

Sinisira nito ang kakayahang magtiwala ng isang tao. Kalakip nito, nagpunla ito ng halu-halong duda tungkol sa sarili:

May mali ba sa akin?

Am I not interesting enough?

Boring ba akong kausap?

Hindi ba kalevel ng maturity niya yung maturity ko?

Am I not even worth a decent goodbye?

At marami pang ibang mga katanungan na kinakain ka inside out. Kung sana alam ng mga nang-gho-ghost kung anong epekto ang iniiwan nila sa mga ghinoghost nila.

It’s more than just not talking.

It’s more than just severing a connection or a relationship.

It’s breaking a person from the inside out.

And why would you want to do that to anyone? Lalo na kung ayaw mo din namang gawin sa iyo ng iba?

Kaya para sa mga nagpaplanong mang-ghost:

Sana hindi lang magaling sa simula. Sabi nga, if you can’t commit to any form of relationship, don’t awaken any feelings.

Sa mga hobby ang pang-gho-ghost:

Kung hindi kayang panindigan, please end it in the most humane way possible. Regardless of the reason, talk with the person (in every way possible kung hindi kaya ng face-to-face) and don’t just disappear. Be honest while you’re at it.

Also, don’t make ghosting an ego-boosting vitamin. To be honest, hindi po nakakagwapo yan.

At sa mga nang-ghost na:

I hope hindi niyo na ulitin sa ibang tao yung pang-gho-ghost na ginawa ninyo. Someone prayed for that person you broke; na maalagaan at mailayo siya sa mga bagay na pwedeng manakit at magwasak sa kanya. But because you planted the seed of doubt, he/she might never trust anyone enough again to build a meaningful and loving relationship.

If you can’t take care of the person, don’t ruin his/her chance to be taken care of and be appreciated by the person who can do what you can’t.

***

Ikaw, may kwentong ghosting ka ba?

Mag-iwan ng puna